Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
[x]

deviantART

 
About Me Member Deviously Deviant alabmemeiFemale/Philippines Recent Activity Deviant for 2 Years
Needs Premium Membership
Statistics 5 Deviations
7 Comments
1,022 Pageviews

Lolo

Fri May 30, 2008, 5:10 AM
Lolo... kamuzta na po kayo? Hindi ko po inaasahan na ganoon niyo po kami kamahal na kahit sa kabilang buhay ay susundan niyo kami para lang po masigurado na nasa ayos lang kami...
Nung una po... naiiinggit po talaga ako ke Argie kasi naisip ko parang siya lang ang apo niyo... hindi ko po talaga matanggap na sumunod kayo sa kanya at iniwan kami dito ng iba niyo pang mga apo...
Ang totoo niyan, nasaktan po ako ng husto kasi nandun na po kamis sa ospital pero hindi pa rin po namin kayo naabutan... Naisip ko tuloy, siguro talagang hinihintay niyo kami at nang malaman niyong dumating na kami sa ospital ay saka po kayo napanatag na umalis na dito... ayaw niyo rin po sigurong makita namin kayong nahihirapan... Ang totoo po niyan... masama akong apo kasi nasumbatan ko pa kayo nung burol niyo... hindi tamang sabihin ko sa inyo ang hinanakit ko sa regalong natanggap ko... Masakit para sa akin na ang makuhang regalo sa araw ng aking pagtatapos ay ang kamatayan niyo... pasensiya na po... Nga pala lolo... nasa akin na po yung relo niyo... pinagawa ko na po gamit ang perang ibinigay sa akin ni tito na kinuha mula dun sa pensyon niyo... ito na po yung regalong hindi ko inaasahan na makuha... pagpasensiyahan niyo na lang po, Lo, yu'ng apo niyo... medyo materialistic lang po talaga...
lam niyo po ba, hindi ko matanggap na yung lagi kong inaasam na makuha kayo kina tito Arnel at mabigyan ng maginhawang pamumuhay ay hindi na po mangyayari...
masyadong huli na po ang pag-asenso ko... napapaisip tuloy ako kung ang pagkamatay niyong ito ang magiging daan upang mabigyan ko ng kaginhawaan si lola...
Mahal po namin kayo... Alam po namin kasama niyo si Argie at binabantayan siya... pero Lo, i-guide niyo na lang po siya mula sa langit... imposible po talagang mangyari na magkasama kayo... please lang po, doon niyo na lang po siya bantayan... at pakibantayan din po si lola...
We love you, Lolo...

  • Mood: Sadness

deviantID

No deviantID yet.

Devious Info

No Devious Info yet.

AdCast - Ads from the Community

[x]

Comments


:iconmyaeonfluxproject:
kamustasa?!?!?!?!?! heheheh. asa klase ako ngayon, di ako makarelate sa mga pinag uusapan dito. As usual, parang guild lang, pag pinagsama mo sina kuya raye, eduard,at evan. puro babae. ngok,

--
The love of all evil is the root of all money.
-- Little Shandy
:iconalabmemei:
ate zandy may event tayo sa b-day mo... sana ay makapunta ka at ang lahat ng alumni para kayo na lang ang magdo-drawing sa booth natin...
andun din si wilson tortosa...
:icong3tan:
wee! alabmeimei!! ehekhekhek!!

--
Ecclesiastes 9:10
"Whatsoever thy hand findeth to do, DO IT WITH ALL THY MIGHT...
for there is no device, nor knowledge, nor wisdom in the grave, whither thou goest."

----"Life is but a Daydream, LIVE IT UP!"---
:iconalabmemei:
its alabmemei no alabmeimei
chocolate ko?

Site Map